Aired (June 11, 2022): Dalawang dekada nang namamasada ang taxi driver na si Andres Alfante. Ito na rin ang naging paraan niya para buhayin ang sariling pamilya. Sa mga panahong ito, ipinakita raw ni Andres ang pagiging masayahin sa kanyang mga pasahero, ayon sa kinakasamang si Maria. Pero nito lang Abril, siya ay hinoldap at pinutulan ng dila habang naghahanapbuhay. Panoorin ang buong detalye sa video.